Friday, May 16, 2008

Liham ng Nuon at Ngayon!
Ni Arman Albarillo

Bayan ST, General Secretary

Mayo 17, 2008

Mga Kapwa ko nagmamahal sa Karapatang tao,

Pagbati ng Kapayapaan!

Matapos ang malagim na pagkawala pagkakapaslang ng aking mga magulang na sina Manuela at Expedito Albarillo sa San Teodoro, Oriental Mindoro nuong ika 8 ng Abril 2002 ng mga Militar sa pamumuno na noo’y Koronel na si Jovito Palparan Jr.( 204th Brigade Commander). Pinaplano naman nila ngayon na ako ang kanilang isunod.

Bilang anak at biktima ng ganitong karahasan, nararapat lamang na maghanap ako ng hustisya sa sinapit ng aking mga magulang. At may tungkulin ang gobyerno na ibigay ang nararapat na katarungan lalo’t ang aking ama ay nasa gobyerno din sa lokal.

Mahigpit akung nakipagakaisa sa iba pang biktima at nagsalita sa tunay na nangyari sa aking mga magulang. Naglantad ng tunay na pangyayari sa aking mga magulang at sa ibang pinaslang. Nagreklamo sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan at hanggang sa pinakamataas na pinuno ng bansa ay aking ipinaalam.

Subalit binigo ako ng gobyernong ito, na ibigay ang hustisya para sa amin sa halip ay inakusahan pa nila na ang aking magulang ay lokal Communist Terrorist sa aming lugar at pakatapos ay nilikida daw ng sariling mga kasamahan.

Naniniwala akung hindi kayang ibigay ng kasalukuyang gobyerno ang hustisya. Dahila malinaw na ngayong sa akin na sila ay may pakana na lahat ng ito. Tula ng ginagawa nila sa akin ngayon. Tulad din ng ginawa nila sa aking magulang. Iniligay nila ako sa order of bottle o watch list noong 2006 ang aking magulang ay noong 1998 inilagay sa order of bottle ng mga militar.

Pagkatapos nito ay ipinakulong ang aking magulang noong taong 2000 at nakalaya noong Nobyembre 2001 sa kasong murder. Mula sa paglaya ibat ibang pananakot ang ginawa sa aking ama at sa mga huling linggo bago patayin ay makalawang besse na sila dinadalaw ng militar sa aming tahanan para konbinsihin na makipagtulungan na sa kanila. Ipikalat din ng militar na ang aking ama ay kumander ng NPA na si ka Espid subalit ang totoo hindi siya NPA kundi isang Konsehal ng aming barangay.

Pagakatapos ng hindi nila makunbinse dinukot at pinatay noong Abril 8, 2002 kasama ang aking pinakamamahal na ina. Tulad ng ginagawa nila sa akin ngayon kinausapa at pilit na pinagtatrabaho sa kanila sa AFP, kaya sinabi ko sa kanila kung hindi ako sumang-ayon at sumunod sa gusto nila dudukutin at papatayin ba din ako tulad ng ginawa sa aking mga magulang at ng iba pa. Ang sagot nila sa akin, ayaw nga nilang dumating ang panahon na magkabangga kami, walang silang direktang sagot sa tanong ko, subalit isa lang sinabi nila, kaya nga tayo nag-uusap para maiwasan ang mga bagay na iyon.

Alam ko na kaya nilang gawin sa akin iyon dahil nagawa nila sa aking mga magulang. Kailangang bang isunod nila ako tulad ng aking magulang. “Magulang ko noon ako naman Ngayon.” Hindi ba ang nararapat ay mabigyan ng hustiya ang pagkamatay ng aking mga magulang at itigil ang tangkang pagpapatahimik sa akin at sa marami pang iba.

Kung ganito malinaw na ito ang patakaran ng Gobyerno Arroyo sa mga taong naghahanap ng katarungan, hustisya at pagbabago. Kaya nararapat lamang pagbayarin ang taong sangkot sa pamamaslang at iba pang kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Pabyarin ng mahal si Gng. Gloria M. Arroyo at mga alipures nito ng may pakana ng pambansang patakaran ng Panunupil.

Sa nagyon ay patuloy akong maglalantad ng ginagawa nila sa akin akin at sa iba pa, nakahanada akung mag-alay ng sarili para katotohanan, kalayaan at pagbabago. Mabuhay ang mga nagtatanggol sa karapatang pantao at nakikibaka.#######

No comments: